Tuesday, November 13, 2012

ANO BA ANG BAGO??

Ang tagal ko na palang hindi nakakapag post dito.. naging busy kasi ako sa ibang bagay nitong mga nakakaraang buwan.. masyado akong naover friendly to the point na wala nakong time para dito.. Sorry naman blog HAHAHA :)

Ano ba ang bago sa buhay ko?? parang wala naman yata?? o sa sobrang dami hindi ko na maisa-isa?? i really don't know.. pero isa lang ang sigurado BLESSED pa din ako! :)

Mas masasabi kong mas naging independent ako ngayon, mas natitimbang ko na ang mga bagay-bagay! Marunong nakong maghandle (kung ano man ang ihahandle). Mas lalo kong naiintindihan ang sarili ko, mas nakikilala ko na si Mariae Regina Rachel L. Sayo ngayon, at higit sa lahat mas mahal ko na yung kung sino ako! No ifs and buts! :)

Mas lumawak yung pananaw ko sa buhay. I set my own Vision and goals in life. Lagi kong iniisip na last 24 hours ko na lang sa mundo kaya dapat gamitin ko ng wasto at nararapat ang oras ko.. kaya at the end of the day lagi kong nasasabi sa sarili ko "What a wonderful day!". Lahat tayo ay binibigyan ng pareparehas na 24 hours sa isang araw nagkakaiba-iba lang sa kung pano natin ito gagamitin.. Gusto kong gamitin yung sakin na parang araw-araw ay Birthday ko hahaha :) what i mean is yung Everyday is a day for celebration :) 

Napakadami kong pinagdaanan this past weeks.. it's really painful, yun na yata yung pinaka malaking pagbabago sa buhay ko.. but well that's life. Any pain that does not kill you make you stronger! Mas lalo pa akong pinapalakas nito.. Ganun naman siguro talaga dapat diba?? Maging matatag lang sa lahat ng bagay.. sabi nga ng isa kong prof "kung lahat kakatakutan mo, saan ka na lang magiging matapang?". Tama naman siya.. dapat ang mga pagsubok ay ginagamit natin hindi para mas manghina tayo kundi para mas tumatag tayo, mas maging tayo yung dapat ay maging tayo.

Minsan kaya tayo nasasaktan kasi pinipilit natin kung ano ang gusto natin para sa mga sarili natin, pero hindi natin alam na mas may maganda pang plano para satin.. at iyon ay ang plano ng Lord :) bakit hindi na lang natin hayaan na siya ang magplano sa buhay natin? Minsan kasi matigas din ang ulo ko.. oooopppsss hindi pala Minsan.. lagi palang matigas ang ulo ko :) HAHAHA (-_-)w


Masyadong madaming pagbabago kung iisa-isahin ko malamang aabutin pa ko ng December hindi pa ko tapos.. pero sa dami ng natutunan ko siguro ito yung ilan... Una, dapat alam mo kung ano ang priority mo sa buhay, kung nag aaral ka tapusin mo ang pag aaral mo, kung nagtatrabaho ka gawin mo yung best mo sa trabaho, kung ina, ama, anak ka gawin mo ang lahat magampanan ang tungkulin mo.. unahin mo yung mga bagay na dapat at kailangan.. Pangalawa, mabuhay sa kasalukuyan, wag ng isipin ang nakaraan, huwag munang masyadong problemahin ang hinaharap.. sayang yung 24 hours mo ngayon.. malay mo last mo na pala yan :) Pangatlo, Be yourself, sa bilyong bilyong tao sa mundi iisa ka lang.. maaaring may kapangalan ka or kamukha pero tandaan mo isa ka lang sa mundo.. nagiisa ka lang!!! masarap maging original! yung maaalala ka ng tao kasi ikaw ay ikaw.. kumbaga may sarili kang trade mark! :) Pangapat, mahalin mo lahat ng tao sa paligid mo.. whether kaaway mo pa sila.. huwag istress ang sarili sa ibang tao, nakakapangit yun :) sabi nga ang pinaka magandang pag ganti ay ang pagiging mabait... Panglima, Enjoy lang ang buhay :) smile often, love more :) isa lang ang buhay mo sa mundo kung aaksayahin mo pa sa mga kawalang kwentang bagay eh napaka tanga mo na non HAHAHA :) tama Tanga! kasi hindi mo ginamit ang buhay mo sa masaya at productive na paraan!!


Pang anim, Masarap mag kape habang nakataas ang paa :) :) :) :) :) :)

HUUUUUGGG! :*

No comments:

Post a Comment