Thursday, March 25, 2010


Mahirap maglakad sa isang daan na hindi mo alam kung saan ka pupunta,liliko kaba sa kanan,sa kaliwa,aatras ka o magpapatuloy ka sa paglalakad.Misan gusto mong sabihing “oOOppSSs teka lang,pede bang huminto nakakapagod na kasing maghanap ng daan na masasabi kong tama”. Para mahanap ko ang tamang daan,sinubukan ko lahat.

Lumiko ako sa kanan.Excited ako,kaya mabilis ang takbo ko,nageenjoy pa nga ako eh.Madami akong nakasabay sa paglalakad,iba ibang klase ng tao,iba ibang personalidad.Pero hindi nagtagal,nakakapagod din pala.Parang may nakakalat na pako sa kalsada na unti-unting sumusugat sa aking mga paa.Hnaggang sa sumuko na lang ako,hindi ko na kaya,hindi ito ang daan.

Lumiko ako sa kaliwa.Excited na naman ako,kumaripas na naman ako ng takbo.Hanggang napansin kong dumadami ang pako.,,,may sumigaw sa akin “Hindi dito ang daan anak”.Natawa ako,nakakatawa,hindi ko siya pinansin.Nagpatuloy ako sa paglalakad,then i said “Ayan,i have everything that i need,as in everything,ito na ang tamang daan”.Yon ang akala ko.Dumami ang pako mas naging matulis at may kalawang pa,masakit,napaka sakit na unti-unting bumabaon sa paa ko.Pagod na pagod na akong maghanap ng tamang daan.I cried.Then i said “Ayoko na,pagod na pagod nako”.Then someone hugged me,he said “Halika anak,sumama ka sakin,AKO ANG DAAN”.Sumama ako sa kanya.Masaya,napaka saya.Pero hindi nagtagal nakakita na naman ako ng pako sa daan. “Sabi mo ikaw ang daan,sumama ako sayo tapos ito ang igaganti mo,hindi ikaw ang daan,kung ikaw ang daan bakit may mga pako sa kalsada,hindi ito ang daan”.He said “Anak,magtiwala ka sakin”.Sinubukan kong maglakad sa pako.Wala akong naramdamang sakit.Masarap maglakad.Tumatakbo pa ako at tumatalon sa pako.,,Masaya,napaka saya.Nasasaktana ako minsan pero deretso parin.Maraming beses akong nadapa,bumangon,nagkasugat,inapakan.,,pero ito ako ngayon,matapang na nagsasabing “JESUS IS THE ONLY WAY,SIYA LANG AT WALA NG IBA”

No comments:

Post a Comment