Thursday, March 25, 2010


Bata pa lamang ako ay pilit ko ng sinasagot ang tanong na “ano ang

pagmamahal?” pero dahil sa kamusmusan, naging mababaw ang kahulugan nito para sa

akin. Dati pag humingi ako ng candy sa aking ina at ako’y binigyan niya,

nangangahulugan ito na ako’y mahal niya. Pag ako’y umiyak at binuhat ako ng aking ama,

ito’y nangangahulugan na ako’y mahal din niya. Noon ganyan ang pakahulugan ko sa

salitang pagmamahal. Lumipas ang maraming panahon, ito na naman ako, nahaharap na

naman ako sa tanong na “ano ang pagmamahal?”sasagutin ko ang katanungan iyan sa

pamamagitan ng istoryang ito:

Ika-10 ng Hunyo taong 2008, unang nakatuntong ang aking mga paa

sa Bulacan State University. Noong araw na iyon, una kong nakilala ang aking bagong

mga kamag-aral at guro. Lumipas ang mga araw ay nakadama ako ng kalungkutan dahil

sa pakiramdam ko ay ako’y nagiisa. Diyan nagsisimula ang pagmamahal. Mararamdaman

mo na malulungkot ka, na parang may kulang sa iyo. Dahil ayaw mong malungkot,

hahanapin mo yung mga kulang sayo. At yun nga ang ginawa ko, dahil sa tingin ko’y ako

ay nagiisa, hinanap ko sa aking mga bagong kaklase ang mga taong sa tingin ko’y

makakasundo ko. At hindi ako nabigo, natagpuan ko ang mga taong makakasama ko. Ang

kalungkutan ko’y napalitan ng kasayahan. Lumipas ang mga araw, masasabi kong masaya

ako, napapakita ko ang tunay na Mariel. Yung panatag kang ipakita ang kahinaan mo

dahil alam mong matatanggap ka nila. Hindi mo kailangang itago ang tunay na ikaw, dahil

komportable ka sa kanila. Sino ka man, ano mang estado mo sa buhay, saan ka man

nagmula, bukas sa puso na tanggap ka nila. Ngunit hindi diyan natatapos ang

pagmamahal, bilang tugon ganon din ako sa kanila. Naipapakita nila sa akin kung sino

sila, buong puso ko ring tinanggap. Lumipas ang mga araw na lalo kaming napapalapit sa

isat-isa. Pag kam’y may ginawa, hindi ko masasabing “ako”, hindi rin “ikaw”, hindi “sila”,

kundi “tayo”. Parang ibat-ibang klase ng tao o personalidad na naging isa.dahil sa

barkada ang turingan naming ay isa, lahat kami ay pantay-pantay. Kaya mung ibigay ang

sarili mo sa kanila, yung pag malungkot ang isa, kaya mu siyang samahan sa kanyang

nararamdaman kahit masaya ka. Ano man ang mangyari kayang ioffer ang sarili mo sa

kanila. Yun ang pagmamahal!

Pinaka madilim na bahagi ng buhay ko ay ang mga panahong hindi ko

pa nakikilala ang Panginoon. Nung mga panahon iyon, halos na sa akin lahat pero hindi

ako masaya, may bumabagabag sa isip ko na hindi ko alam kung ano. Parang kahit anong

gawin ko, kahit gano pa ako katagumpay sa ginagaw ko parang may isinisigaw ang puso

ko. Hanggang isang araw ipinakilala sa akin ng aking kaibigan ang Panginoon. Nung

nakilala ko siya napawi ang lungkot. Tinangggap ko siya bilang Diyos ko at tagapaligtas,

nramdaman ko ang pagmamahal niya, nagkaron ako ng malalim na relasyon sa kanya. Ang

pag-ibig ng Diyos ay pantay-pantay. Simula noon ay inialay ko ang buhay ko sa kanya,

maglilingkod ako sa kanya hanggang sa huli. Alam kong iniibig ako ng Diyos, at iniibig ko

din siya. Yun ang pagmamahal.

May ibat-ibang depinisyon man ang pagmamahal, alam ko at naniniwala

ako na kahit gano man kasama ang tao, may pagmamahal pa rin sa puso niya. Ang

pagmamahal ay hindi kayang sukatin ng sinoman, saanman, at kahit kailanman. Ang puso

ay naghahanap ng pagmamahal, isang pagmamahal na pupuno sa kakulangan, pagmamahal

na kayang umunawa at tumanggap kahit ano kappa., pagmamahal na kayang magalay ng

sariling buhay. Ano man ang depinisyon mo sa pagmamahal, sabihin mo, iparamdam mo,

ipakita mo, dahil yun ang gusto ng Diyos sa mundo, isang mundong mapagmahal, isang

mundong nagmamahalan.

No comments:

Post a Comment