
Bata pa lamang ako ay pilit ko ng sinasagot ang tanong na “ano ang
pagmamahal?” pero dahil sa kamusmusan, naging mababaw ang kahulugan nito para sa
akin. Dati pag humingi ako ng candy sa aking ina at ako’y binigyan niya,
nangangahulugan ito na ako’y mahal niya. Pag ako’y umiyak at binuhat ako ng aking ama,
ito’y nangangahulugan na ako’y mahal din niya. Noon ganyan ang pakahulugan ko sa
salitang pagmamahal. Lumipas ang maraming panahon, ito na naman ako, nahaharap na
naman ako sa tanong na “ano ang pagmamahal?”sasagutin ko ang katanungan iyan sa
pamamagitan ng istoryang ito:
Ika-10 ng Hunyo taong 2008, unang nakatuntong ang aking mga paa
sa Bulacan State University. Noong araw na iyon, una kong nakilala ang aking bagong
mga kamag-aral at guro. Lumipas ang mga araw ay nakadama ako ng kalungkutan dahil
sa pakiramdam ko ay ako’y nagiisa. Diyan nagsisimula ang pagmamahal. Mararamdaman
mo na malulungkot ka, na parang may kulang sa iyo. Dahil ayaw mong malungkot,
hahanapin mo yung mga kulang sayo. At yun nga ang ginawa ko, dahil sa tingin ko’y ako
ay nagiisa, hinanap ko sa aking mga bagong kaklase ang mga taong sa tingin ko’y
makakasundo ko. At hindi ako nabigo, natagpuan ko ang mga taong makakasama ko. Ang
kalungkutan ko’y napalitan ng kasayahan. Lumipas ang mga araw, masasabi kong masaya
ako, napapakita ko ang tunay na Mariel. Yung panatag kang ipakita ang kahinaan mo
dahil alam mong matatanggap ka nila. Hindi mo kailangang itago ang tunay na ikaw, dahil
komportable ka sa kanila. Sino ka man, ano mang estado mo sa buhay, saan ka man
nagmula, bukas sa puso na tanggap ka nila. Ngunit hindi diyan natatapos ang
pagmamahal, bilang tugon ganon din ako sa kanila. Naipapakita nila sa akin kung sino
sila, buong puso ko ring tinanggap. Lumipas ang mga araw na lalo kaming napapalapit sa
isat-isa. Pag kam’y may ginawa, hindi ko masasabing “ako”, hindi rin “ikaw”, hindi “sila”,
kundi “tayo”. Parang ibat-ibang klase ng tao o personalidad na naging isa.dahil sa
barkada ang turingan naming ay isa, lahat kami ay pantay-pantay. Kaya mung ibigay ang
sarili mo sa kanila, yung pag malungkot ang isa, kaya mu siyang samahan sa kanyang
nararamdaman kahit masaya ka. Ano man ang mangyari kayang ioffer ang sarili mo sa
kanila. Yun ang pagmamahal!
Pinaka madilim na bahagi ng buhay ko ay ang mga panahong hindi ko
pa nakikilala ang Panginoon. Nung mga panahon iyon, halos na sa akin lahat pero hindi
ako masaya, may bumabagabag sa isip ko na hindi ko alam kung ano. Parang kahit anong
gawin ko, kahit gano pa ako katagumpay sa ginagaw ko parang may isinisigaw ang puso
ko. Hanggang isang araw ipinakilala sa akin ng aking kaibigan ang Panginoon. Nung
nakilala ko siya napawi ang lungkot. Tinangggap ko siya bilang Diyos ko at tagapaligtas,
nramdaman ko ang pagmamahal niya, nagkaron ako ng malalim na relasyon sa kanya. Ang
pag-ibig ng Diyos ay pantay-pantay. Simula noon ay inialay ko ang buhay ko sa kanya,
maglilingkod ako sa kanya hanggang sa huli. Alam kong iniibig ako ng Diyos, at iniibig ko
din siya. Yun ang pagmamahal.
May ibat-ibang depinisyon man ang pagmamahal, alam ko at naniniwala
ako na kahit gano man kasama ang tao, may pagmamahal pa rin sa puso niya. Ang
pagmamahal ay hindi kayang sukatin ng sinoman, saanman, at kahit kailanman. Ang puso
ay naghahanap ng pagmamahal, isang pagmamahal na pupuno sa kakulangan, pagmamahal
na kayang umunawa at tumanggap kahit ano kappa., pagmamahal na kayang magalay ng
sariling buhay. Ano man ang depinisyon mo sa pagmamahal, sabihin mo, iparamdam mo,
ipakita mo, dahil yun ang gusto ng Diyos sa mundo, isang mundong mapagmahal, isang
mundong nagmamahalan.