Wednesday, March 23, 2011

Traffic light!

tumatak sa isip ko yung linya ni John lloyd sa My Amnesia Girl sabi niya "malay mo nakasalubong mo na pala siya pero tumingin ka sa traffic light" simula non tuwing tumatawid ako sa highway sa harap ng bulacan state university main gate naaalala ko ang linyang yan..parang nakaslow motion pag tumatawid hahaha tinitignan yung nakakasalubong..malay nga naman natin kung nakasalubong na pala natin yung taong para satin..naging busy lang tayo sa ibang bagay! diba? diba? malay mo nakasalubong ko na pala siya..haysss...

Tuesday, March 15, 2011

manila paper^^






CASE PRESS-MARCH 14, 2010, 2:30pm, Bulacan State University, College of Nursing, NAL 4!

waaaaaa...tensyonado..grabe pala ang case press..hmmm..nanginginig ako! daming tanong..!! waaa.. PRAISE GOD PRAISE GOD! thank you din sa GROUP 4-SOLID..alam kong may unity tayo..sinong nagsabing wala..???!! thank you din sa ammpNURSE sa napakadaming suporta..talagang hinintay pa kaming matapos..thank you sa PRAYERS..grabe ang nagagawa ng panalangin..thank you sa words of ENCOURAGEMENT! :) it really help a lot!

ONE BIG HUG..
LOVE YOU ALL

mwuahh!

Wednesday, March 9, 2011

OTHER SIDE..

Gusto kong maging writer..yan ang pinaka pangarap ko talaga.. yung ala william shakespeare, Bob Ong at iba pang magagaling na manunulat.. pangarap kong makapagsulat ng sarili kong aklat, sarili kong kwento. hays ewan ko ba basta gusto ko lang magsulat.. para kasi sakin nakakawala ng stress.. nasasabi mo yung laman ng puso mo..pero nung kailangan ko ng pumili ng kurso sa kolehiyo almost 3 years ago..hindi ang pagiging writer ang nakuha ko..isang kursong napakalayo sa pagsusulat..hindi daw kasi ako aasenso sa pagsusulat..konti lang daw ang kailangan non sa pilipinas..mahirap daw humanap ng trabaho..nalungkot ako nung una dahil alam kong ang pangarap kong ito ay Malabo ko ng maabot..malayong malayo sa landas na tinatahak ko ngayon..ewan ko ba pero minsan may mga araw na nakakapanghinayang..minsan naiisip ko siguro mas enjoy ako ngayon kung journalism kinuha ko..siguro mas makikita yung galing ko.. siguro hindi ako makakakuha ng tres na grade.. siguro parang hindi ako nag-aaral parang naglalaro lang..

Lumipas ang panahon, nagulat na lang ako mahal ko na ang nursing.. narealized ko na “pag writer ka..matotouch mo ang buhay ng tao sa mga isinusulat mo” “pero pag nurse ka..matotouch mo ang buhay nila..matotouch din nila ang buhay mo” dun ko nakita ang plano ng Lord sakin..minsan hindi natin alam kung bakit nandon tayo sa lugar na hindi naman natin inaasahan..madalas nagtatanong tayo..akala natin nabigo tayo dahil hindi natin nakuha kung ano yung pangarap natin..pero hindi natin naiisip na kumikilos ang Lord sa buhay natin..may mas magandang plano siya,.may mas pangarap siya..at yung pangarap niya ay higit pa sa kaya nating pangarapin..Just trust Him :D

Thursday, March 3, 2011

being HAPPY :D

Be happy. Smile big. Laugh hard. Dream always. Love unconditionally. If you want it, make it yours!

It doesn't matter who else you please, if it doesn't please you it's not worth it! The only person who can make you happy is you!

Don't put your happiness in the hands of someone else. If you really want to be happy you have to find this happiness within yourself.

True happiness is not about a big laugh or tears of joy. It's about a simple smile whenever you remember someone who made your life simple yet completely Happy

Life isn't about waiting for the storm to pass. It's about learning to dance in the rain! Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.

If someone can make you laugh when you're about to cry, don't give up on them. They're the true meaning of happiness.

Sometimes...unexpected things bring great happiness...

Happiness is one of those little things that changes everything, without really changing anything. Just being happy about one thing makes everything better!

I am happy with who I am, so I decided to ignore that little voice inside my head that cares way too much about the opinions of people who just don't matter.

Happiness is not something we find, it's something we create.

I'm just enjoying the moment, and enjoying whatever, come what may. And whatever will be, will be. Most off all, I'm happy.

Thursday, February 24, 2011

may mga bagay sa mundo na kahit mahirap kailangan mo ng bitawan kasi habang patuloy mo pang hawak lalo ka lang nasasaktan.. pero kahit ganon patuloy lang ang buhay.. maging masaya sa bawat segundo nito..! mahalin ang sarili.. may tamang panahon lang siguro talaga para sa lahat ng bagay.. smile.. let go..!

Friday, February 4, 2011

SOLID..^^

salamat sa Lord kayo ang kagroup ko
dahil sa inyo naging ganito ako (HAHA)
salamat sa kasayahang binigay niyo
sa mga panahong nalulungkot nako

salamat kay PHAM at ELMER sa pakikinig
sa mga kwento kong halos paulit-ulit
kay ALJAY na dota ang hilig
hindi kumpleto araw ko pag hindi yan nangulit

salamat kay MENCHEE, SHELLA at TENG sa pagiging mabait
sana wag kaung magbabago mga kapatid
sa mga yakap ni JOSH salamat din
sana ikay magkatagpo ng taong mamahalin

salamat kay MACKY sa pag share nya ng talino
sana dumating ang panahong hindi kana emo
kay GIZELLE na hinahangaan ko
sa lakas ng loob mo

kayoy mahalaga sakin
lagi niyo lang yun aalalahanin
salamat sa Lord sa buhay niyo
sa 2013 RN NA TAYO

-MARIAE-

Wednesday, January 19, 2011

SOLID por-ey





hmmm...the best talaga ang duty..!! Una, kasi may mga kasama kang masayahin hehe..the best ang por-ey..enjoy silang kasama lahat..walang KJ..enjoy ang duty kasi sila ang mga kasama ko..para nga lang kaming magkakapatid eh..masaya..enjoy...!! Pangalawa..sa duty mo makikita ang ibat ibang klase ng tao..ibat ibang personalidad at pagkatao..

sobrang napahalagahan ko ang buhay ko..palagi tayong nagrereklamo..yun pala may mga tao na mas malala pa satin...MASAYA! :)