Monday, May 6, 2013

yeeeeey






KAILANGAN KONG MAKAPAG SWIMSUIT! hahahaha BURN SOME FATS!!
from 75 kilos to 60 kilos
yeeeey

my point of view

Nung isang araw pa ko nakakatanngap ng text messages na iisa lang naman ang mensahe.. "Ano ba ang nagyayari?" at nirereplayan ko din sila ng tanong na "Bakit? Ano ba nangyayari?" Hahaha.. Hindi ko kasi alam kung ano talaga ang nangyayari sa earth.. naisip ko tuloy, ganun na ba ako kabusy sa buhay ko? hahaha.. then naisipan kong hanapin ang sagot sa mga katanungan nila.. Ano nga ba ang nangyayari??

Sino ang Propesyunal?
Sino ang mas Better?
Sino ang mas Nakakaintindi?
Sino ang mas Sensitive?
Sino ang mas mukang may Pinag-aralan?
Sino ang tunay na Kristiyano?

Kung ako ang tatanungin.. WALA kahit isa.. kahit ang sarili ko ay hindi qualified!

Lahat tayo ay Nagkamali, Nagkakamali, at Magkakamali..
Lahat tayo ay Nakasakit, Nakakasakit, at Makakasakit..

Lahat tayo hindi naging propesyunal, hindi nagiging propesyunal, pero pwedeng maging propesyunal..

Lahat tayo hindi nging Better, hindi Better, pero pwedeng maging Better..

Lahat tayo hindi nakaintindi, hindi nakakaintindi, pero pwedeng makaintindi..

Lahat tayo naging Insensitive, Insensitive, pero pwedeng maging Sensitive..

Lahat tayo mukang walang pinag-aralan, pero pwede namang maging mukang may pinag-aralan..

Tunay nga ba tayong Kristiyano??

WALA kahit isa ang pumasa..

kanino ka kakampi, sa mga hindi mo kaibigan pero alam mo na nasasabi lang nila yun dahil mahal nila ang kaibigan nilang nagkamali? masisisi mo ba sila na nasabi yun para ipagtanggol ang kaibigan nila? na for the first place lahat naman tayo ganun, ipagtatanggol ang kaibigan kahit alam na mali..

o dun ka kakampi sa sarili mong kaibigan, na alam mong nakapagsalita din pero alam mo ang rason kung bakit niya nasabi yon??

kanino ka kakampi.. masarap sigurong uminom na lang ako ng kape at matulog! (hahhaha)

marami din akong nasaktan, alam ko yan, at hiningi ko na yan ng tawad sa Lord.. naging unprofessional din ako.. naging bitter, hindi nakaintindi, naging insensitive, mukang walang pinag aralan, at nakalimutan maging kristiyano..

to the point na naghanap nako ng ibang tahanan, dun ko narealized na napaka unchristian ko! :) pero pwede namang magbago diba?


Minsan kailangan mo lang talagang tanggapin na nagkamali ka.. :)
sa susunod na magkakaron ng pangyayari.. huwag niyo na akong tatanungin kung ano ba ang nangyari..
for the first place wala nako don.. :)

PS.

Let's Love Love Love!
magmahalan na lang! :)
Spread peace..
sarap kaya!